Gamit ang kanilang mga pedicab, kung saan-saan sila sumusuot at umaabot. Tinitiis ang hirap ng pagpapadyak at ang pagod sa pagkayod. Ang tangi nilang hanap- mga pira-pirasong kahoy na maari pang ibenta.Para sa mga batang ang turing sa mga patapong kahoy ay kayamanan, tila walang darating na pagbabago sa kanilang buhay… Pasko man o Bagong Taon pa.
Ang magkapatid na sina Jessie at Jordan na parehong menor de edad, kailangang mangahoy para makakain at makapagbayad ng utang dahil ‘di na sinusuportahan ng mga magulang. Araw-araw, umaabot ng isandaang piso ang utang nila sa karinderyang pinagbibilhan nila ng pagkain.Sanay na raw ang mga murang katawan nila sa ganitong trabaho, kaya ang 13 taong gulang na si Benjie, araw-araw na nangangahoy. Limang taon na itong ginagawa ni Benjie para may maipanlaman sa kumakalam na tiyan ng kanyang buong pamilya. Sa kawalan ng pag-asang makaahon sa hirap, simple na lang ang kanyang hiling at pangarap - ang makabili ng bagong tsinelas at maging isang basurero paglaki niya.
Habang pinapanood ko ang dokyumentaryong iyan ni Sandra Aguinaldo, ndi ko namamalayang my luha na plang umaagos sa aking mukha.
Para saan ba ang aking luha, habag at awa pra sa mga batang aking pinapanood sa hirap ng kanilang pinag dadaanan sa buhay na minsan ay alam kung ndi naten naranasan, ang maglimahid ang damit, nakapaa, at nag-hahanap buhay sa murang edad pti pag-aaral ay tinalikuran nila huwag lng magutom ang kanilang pamilya.
Habang nanonood ako, dko mawari sa aking isipan kung bakit nangyayari yan sa mga bata na katulad ni Benjie, sa kapabayaan ba yan ng magulang o dahil sa kahirapan ng ating bansa dahil sa bulok na pamamalakad sa gobyerno. Siguro sa kapabayaan ng magulang ang isa sa dahilan, dahil ayun ky Benjie ay iniwan sila ng Tatay nila at bilang panganay sa anim na magkakapatid ay cia na ang tumayong padre de pamilya sa murang edad.
Hindi mo man ako kilala Benjie “SALUDO AKO SAYO” maabot mo sana ang iyong simpleng pangarap ang maging isang basurero at sana ay higit pa doon ang iyong marating…..
Thursday, January 8, 2009
Simpleng Pangarap (BOY KAHOY)
Posted by toyz at 11:13 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment