sa Sabado ipagdiriwang na naman un Araw ng Patay
im sure anjan na un Traffic smen bayan (LEMERY)
uwian ng mga taong nagtatrabaho sa Manila
Magkikita kita ang mga magkakamag anak at magkakaibigan na
parang reunion/ get together
Sa probincia namen dko itoh maituturing na araw ng patay
sapagkat lhat ng taong makikita mo sa sementeryo ay nagsasaya
na akala mo'y fiesta yan un nakamulatan kng pagdiriwang ng araw ng patay
Na bukod tanging ang mga Batangenyo lng un ganan, dhil sa mga naririnig ko at
napapanood sa tv, un pgdiriwang nila ng araw ng patay ay pag aalay ng simpleng dasal sa yumao
nilang kamag anak /kaibigan at pagbbgay ng bulaklak at kandila.
Kaya pag Mag Nov 1 na, ayan na homesick na aq dahil kasiyahan un mararamdaman mo
anjan un buong family mo na magkikita sa sementaryo mga kaibigan at kng cno cno pang kakilala mo, na halos don na lhat matutulog sa sementeryo na kala mo ay picnic
Lumingon ka man sa kanan at kaliwa likod at harap wala kang ibang makikita sa puntod
kundi tent na ttmbayan bulalak at kandila na karaniwang makikita at ang d rest pagkain at alak
na khit ipagbawal ay dpa din mapigilan un mga tao, kya ndi natatapos un umaga my nagkagulo ng mga lasing.
Kakaibang sementeryo lahat ng tindang pagkain andon, tpos un tao ndi mahulugang karayom sa dami, halos karamihan nagpapaabot ng umaga. Naalala ko pa un kapilyahan ko don
sa paglalakad ko sa madilim na bahagi ng sementeryo nakakita pa aq ng nag Dedeyt na akala mo ay nasa Luneta nsabe ko na lng na Araw din pla ng mga nguso (este) PUSO.
haaayyyyyyy Homesick na naman aq.
Monday, October 27, 2008
Araw ng Patay / Get Together?
Posted by toyz at 3:48 AM 2 comments
Wednesday, October 22, 2008
SPECIAL GROCERY LIST
Louise Redden, a poorly dressed lady with a look of defeat on her face, walked into a grocery store.
She approached the owner of the store in a most humble manner and asked if he would let her charge a few groceries. She softly explained that her husband was very ill and unable to work, they had seven children and they needed food.John Longhouse, the grocer, scoffed at her and requested that she leave his store at once. Visualizing the family needs, she said: "Please, sir! I will bring you the money just assoon as I can."John told her he could not give her credit, since she did not have a charge account at his store. Standing beside the counter was a customer who overheard the conversation between the two. The customer walked forward and told the grocer that he would stand good for whatever she needed for her family.The grocer said in a very reluctant voice, "Do you have a grocery list?" Louise replied, "Yes sir." "O.K" he said, "put your grocery list on the scales and whatever your grocery list weighs, I will give you that amount in groceries."Louise, hesitated a moment with a bowed head, then she reached into her purse and took out a piece of paper and scribbled something on it. She then laid the piece of paper on the scale carefully with her head still bowed. The eyes of the grocer and the customer showed amazement when the scales went down and stayed down.The grocer, staring at the scales, turned slowly to the customer and said begrudgingly, "I can't believe it." The customer smiled and the grocer started putting the groceries on the other side of the scales. The scale did not balance so he continued to put more and more groceries on them until the scales would hold no more. The grocer stood there in utter disgust. Finally, he grabbed the piece of paper from the scales and looked at it with greater amazement.It was not a grocery list, it was a prayer, which said:"Dear Lord, you know my needs and I am leaving this in your hands." The grocer gave her the groceries that he had gathered and stood in stunned silence.Louise thanked him and left the store. The other customer handed a fifty-dollar bill to the grocer and said;"It was worth every penny of it. Only God Knows how much a prayer weighs."
Posted by toyz at 9:29 PM 0 comments
liham ni ama at ina
Mahal kong Anak,
Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan.
Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan.
Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako sa tuwing sinisigawan mo ako.
Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng 'binge!' paki-ulit nalang ang sinabi mo o pakisulat nalang. Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.
Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.
Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka.
Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan.
Natatandaan mo anak noong bata ka pa? kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo 'yong sasabihin, maghapon kang mangungulit hangga't hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.
Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan.
Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.
Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako'y masungit, Dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.
Kapag may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo,kahit sandali lang. Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa walang kausap.
Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko.
Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.
At kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaang alagaan. Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi
sa higaan,Pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng
aking buhay.Tutal hindi na naman ako magtatagal.
Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay At bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.
At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana ...
Dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama't ina...
Posted by toyz at 5:33 AM 0 comments

